Palawan Tourism Council Logo
Loading Events
This event has passed.

Ang turismo ay isa sa mahahalagang sektor na may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng Palawan at isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Gob. Jose Ch. Alvarez. Mula nang ibalik ang pandaigdigang turismo noong Pebrero 2022 ay unti-unti na ring nararamdaman ang pagbabalik sigla ng turismo sa lalawigan.

Upang lalo pang palakasin ang pagsusulong ng turismo at muling buhayin ang mga negosyo at kalakalan ng tourism establishments at enterprises sa lalawigan, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gob. Alvarez katuwang ang Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) at Palawan Tourism Council ay magsasagawa ng Baragatan Tourism Travel and Fair sa June 24-26, 2022 na gaganapin sa Robinsons Place Palawan Activity Center kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Baragatan Festival 2022.

Layunin ng aktibidad na itampok ang mga isinasagawang mga hakbang at inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan at industriya ng turismo kung kaya’t nakamit nito ang pagkilala bilang World’s Best and Friendliest Island sa pandaigdigang turismo at ang pagluklok sa Palawan bilang top tourist destination sa buong mundo na isa sa mga tinutukan at legasiya ng kasalukuyang administrasyon.

Sa unang araw ng selebrasyon, isasagawa ang mga aktibidad patungkol sa People and Celebrations habang sa ikalawang araw naman ay itatampok ang Food and Culture at sa ikatlong araw ang Sights, Sounds and Attractions.

Inimbitahan din ang mga Local Government Unit sa lungsod at mga munisipyo sa lalawigan maging ang mga Accredited Tourism Enterprises bilang exhibitors kung saan maaaring bisitahin ang mga ito sa kani-kanilang mga booth at stall. Labing limang (15) exhibitors na ang nagkumpiramang lalahok sa aktibidad na magtatampok ng kani-kanilang mga produkto.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 159,611 na domestic at foreign tourists ang bumisita sa lalawigan batay sa datos ng Tourism Live-Inventory and Statistics of Tourist Arrivals (TourLISTA) na isang web-based information system kung saan pinagsasama-sama ang database ng lahat ng tourist arrivals mula sa Accomodation Establishments (AEs) at Tourist Attractions (Tas) sa rehiyon ng MIMAROPA.

Para sa iba pang mahahalagang detalye, makipag-ugnayan kay Ms. Ma. Emilou M. San Juan ng PTPDO o kaya naman ay tumawag sa mga numerong 048-433-2968 at 0995-158-9357.

Go to Top